Sana'y tampo lang
Ang dahilan ng pag-iiwas mo
Sana'y 'di totoo
Ang naririnig kong iiwan mo raw ako
Oh, kay liit na bagay ang pinagmulan
Ng dahil lang sa pride, 'di na nagkibuan
Sayang ang pinagsamahan
Ang babaw naman ng pinag-awayan
Pa'no ang ating sumpaang
Sa hirap at ginhawa, tayo'y magsasama?
Ako'y nangangamba at baka isang araw
Ika'y magpaalam na
Hindi ko alam kung matatanggap kong
Ikaw ay mawawala
Oh, kay liit na bagay ang pinagmulan
Ng dahil lang sa pride, 'di na nagkibuan
Sayang ang pinagsamahan
Ang babaw naman ng pinag-awayan
Pa'no ang ating sumpaang
Sa hirap at ginhawa, tayo'y magsasama?
Oh, sayang
Hindi na tayo bata
Alam na natin ang mali at tama
Pag-usapan natin at ating isipin
Sayang ang pinagsamahan
Ang babaw naman ng pinag-awayan
Pa'no ang ating sumpaang
Sa hirap at ginhawa, tayo'y magsasama?
Sayang ang pinagsamahan
Ang babaw naman ng pinag-awayan
Pa'no ang ating sumpaang
Sa hirap at ginhawa, tayo'y magsasama?
Sayang