Orasan
Orasan…umiikot, umaawit…tumutunog
Gumagabi, umaaraw, sa dahan-dahang pag-ikot
May kamay na naghuhudyat, ng oras na sunod-sunod
Sa bawat galaw ng kamay, iba't-iba ang nagaganap
Sa mundong umiinog.
Paano nga ba ibabalik, ang kamay ng orasan?
Ang sandaling kapiling ko, ang mga minamahal
Mga anak na minumutya, asawang pinaglilingkuran
Buo at masaya, salat man sa yaman.
Ngunit sa hangaring, ang buhay ay maiangat
Maihandog ang magandang bukas, sa anak na nililiyag
Ibang bansa'y pinangarap, pilit na hinangad
Upang hirap na dinaranas, di na lagging kayakap.
Ngunit sa paglipas ng panahon, sa pagtakbo ng orasan
Isang dagok sa buhay, sa akin ay dumatal
Asawang itinangi, minahal ng lubusan
Nagmahal sa iba, at ako'y iniwan.
Ang pinakamasaklap, ang inspirasyon ng pagsisikap
Ang kadluan ng pagtitiis, at ibayong paghihirap
Hindi ko na nakita, hindi ko na mayayakap
Pagkat supling ko'y inilayo, nasaan kayo mga anak?
Salaping naipon, kapalit ng kalupitan
Sa among sakim, bawat segundo'y gahaman
Bawat trabaho ko, kanyang inoorasan
Kapag ako'y sumala, galit n'ya ang makakamtan.
Wala na ang salapi, wala na rin ang minamahal
Nawalan ng saysay, tiniis na kaapihan
Sinisisi ang sarili, sa pangarap na inasam
Ito ba ang kapalarang, bigay sa 'kin ng maykapal?
Kailan hihinto, ang takbo ng orasan?
Kailan babalik sa kahapong iniwan?
Kailan maririnig, ang tunog na mainam?
Kailan ang oras, anak ko'y masisilayan?
Ako ngayo'y isang orasang, patuloy na lang sa pag-ikot
Nabubuhay sa damdaming, punong-puno ng kirot
Sa bawat Segundo, bawat minuto, at sa bawat oras na pag-inog
Pakiramdam ko'y pawing gabi, walang liwanag na dulot.
Reloj
Reloj... gira, canta... resuena
Se hace de noche, amanece, en un lento girar
Una mano señala, el tiempo que sigue
En cada movimiento de la mano, ocurre algo distinto
En el mundo que gira.
¿Cómo devolver, la mano del reloj?
El momento junto a mí, a los seres queridos
Hijos que se admiran, esposa a la que sirvo
Completo y feliz, aunque falte riqueza.
Pero con el deseo, de elevar la vida
Ofrecer un futuro brillante, al hijo deseado
Soñando con otro país, anhelado con fuerza
Para no siempre abrazar la dificultad.
Pero con el paso del tiempo, con el correr del reloj
Un golpe en la vida, llegó a mí
Esposa amada, amada profundamente
Amó a otro, y me dejó.
Lo más doloroso, la inspiración del esfuerzo
La caída de la paciencia, y un sufrimiento extra
Ya no la veo, ya no la abrazo
Pues mi descendencia fue alejada, ¿dónde están mis hijos?
El dinero ahorrado, a cambio de crueldad
En manos de mi codicia, cada segundo es codicia
Cada trabajo mío, ella lo cronometra
Cuando fallo, su ira es lo que cosecho.
Ya no está el dinero, ya no está el ser amado
Perdió sentido, soporté la injusticia
Culpándome a mí mismo, por el sueño anhelado
¿Es este el destino, dado por el Todopoderoso?
¿Cuándo se detendrá, la carrera del reloj?
¿Cuándo regresará al pasado que dejó?
¿Cuándo escucharé, el sonido agradable?
¿Cuándo veré, a mi hijo?
Ahora soy un reloj, girando continuamente
Viviendo con un sentimiento, lleno de dolor
En cada segundo, cada minuto, y en cada hora que pasa
Siento que es siempre de noche, sin luz que traer.