Babae Ako
Babae ako
Ano bang dapat kong gampanan
Sa daigdig na ating ginagalawan
Ang hangganan ko ba'y hanggang saan
Babae ako
Ako ba'y mayro'ng kapangyarihan
O ako'y isa lamang na bukal
Na pagkukunan ng pagmamahal
Nais kong lumipad na may sariling bagwis
Nais kong marating pangarap nang mabilis
Nais kong manguna sa mga maya
Para makita ang bagong umaga
Ngunit kailan pa
Gusto ko na
Ngayon na
May galit ako
Ngunit pag-asa'y nasa puso ko
Bukas ang hamog makikita mo
Hihigupin niya ang paru-paro...
Ang paru-paro
Nais kong lumipad na may sariling bagwis
Nais kong marating pangarap nang mabilis
Nais kong manguna sa mga maya
Para makita ang bagong umaga
Ngunit kailan pa
Gusto ko na
Ngayon na
I Am a Woman
I am a woman
What role should I play
In the world we live in
Where are my limits
I am a woman
Do I have power
Or am I just a source
To draw love from
I want to fly with my own wings
I want to reach dreams quickly
I want to lead the flock
To see the new morning
But when
I want it now
Now
I am angry
But hope is in my heart
Tomorrow you will see the mist
It will embrace the butterfly
The butterfly
I want to fly with my own wings
I want to reach dreams quickly
I want to lead the flock
To see the new morning
But when
I want it now
Now