visualizaciones de letras 46

Maharani

ALAMAT

Letra

    nakatabing na naman ang iyong mga mata
    may pahaging pero parang ayaw mong pahalata
    sinaktan ka na naman ba niya? bakit 'di ka pa nadadala?
    ang tulad mo ay tipong hindi basta binabalewala (alamat, handa 'rap)

    pero 'di niya batid ang kaniyang sinasayang
    habang ako dito'y naghihintay lamang
    gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang
    pangako, 'di ako nahihibang, ikaw ang aking nag-iisang

    maharani, maaari bang mapagbigyan?
    kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
    lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
    sumusumpa kay bathala, ako ay 'di magsasawa

    maharani, maaari bang mapagbigyan?
    kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
    lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
    sumusumpa kay bathala, ako ay 'di magsasawa maharani

    nakatabing mga labing nais nang isigaw
    kung sakaling papalarin ay maging ako't ikaw
    subok lang baka naman, ito pala 'yung pangwalang-hanggan
    'pagkat tulad mo 'yung tipong kahit ano aking ilalaan

    pero 'di niya batid ang kanyang sinasayang
    habang ako dito'y naghihintay lamang
    gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang
    pangako, 'di ako nahihibang, ikaw ang aking nag-iisang

    maharani, maaari bang mapagbigyan?
    kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
    lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
    sumusumpa kay bathala, ako ay 'di magsasawa

    maharani, maaari bang mapagbigyan?
    kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
    lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
    sumusumpa kay bathala, ako ay 'di magsasawa
    maharani

    mala-prinsesa
    sa 'king paningin ay nababalot ng ginintuang seda
    ako'y nabibihag ng iyong mga ngiti
    na para bang nakatanikala sa selda
    pasensiya na, hindi naman na lihim (shh)
    ikaw ang natatanging gusto ko na makapiling
    ang bawat daan ko sa iyo na nakakiling
    sana mabigyan ng pagkakataong ibigin (woo)

    panahon ay nasasayang
    'pag pinaglalaban ang hindi ka naman kayang ipaglaban
    kaya sa 'kin ka na nga lang
    ipinapangako ko ang puso ko'y magiging sa 'yo lamang
    sa dami ng katunggali, magpupunyagi
    hanggang sa ako'y magwagi
    ngunit kahit magapi ang pagtingin
    dito pa rin maglalagi

    maharani, maaari bang mapagbigyan? (maharani, pagbigyan)
    kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan (pag-ibig mo ay makamtan)
    lakambini, ako na lang ang 'yong lakan (hey, ooh, ooh)
    sumusumpa kay bathala, ako ay 'di magsasawa ('di magsasawa)

    maharani, maaari bang mapagbigyan?
    kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan (kung sakali)
    lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
    sumusumpa kay bathala, ako ay 'di magsasawa (sumusumpa)
    maharani


    Comentarios

    Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

    0 / 500

    Forma parte  de esta comunidad 

    Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de ALAMAT y explora más allá de las letras.

    Conoce a Letras Academy

    ¿Enviar a la central de preguntas?

    Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

    Comprende mejor con esta clase:

    0 / 500

    Opciones de selección