visualizaciones de letras 49

kahapon sa paglalakad
natisod na naman
ng kastilyong buhanging kung sa’n
gumuho ang pinagsamahan

nakikita sa
hampas ng mga alon ay ikaw pa rin

pakiusap lang
lumayas ka sa'king isipan
nang umahon na
ang puso sa dalampasigan mo

dumampi sa’king pisngi
ang init ng araw
pinawi kahit sandali
damdamin kong giniginaw

nakikita sa
hampas ng mga alon ay ikaw pa rin

pakiusap lang
lumayas ka sa'king isipan
nang umahon na
ang puso sa dalampasigan

iiwas na kung maaari
na para bang walang nangyari
ayaw ko nang magpatali sa'yo

pakiusap na
lumayas ka sa’king isipan
nang umahon na
ang puso sa dalampasigan
pakiusap na
hayaan mo na ‘kong umusad
nang umahon na
ang puso sa dalampasigan mo

Escrita por: Miguel Benjamin G. Guico / Paolo Benjamin G. Guico. ¿Los datos están equivocados? Avísanos.

Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Ben&Ben y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección