Awit Ng Paghahangad
Bukas Palad
Awit ng Paghahangad lyrics
O, Diyos, Ikaw ang laging hanap.
Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.
Kita’y pagmamasdan sa dakong banal
Nang Makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay.
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.
Refrain:
Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay,
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina’y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak,
Umaawit akong buong galak.
Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo.
Kaligtasa’y tiyak kung hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari, ang Diyos,
Siyang dahilan. Ang sa iyo ay nangako,
Galak yaong makakamtan.
(Repeat Refrain)
Umaawit, umaawit, umaawit akong
buong galak.



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Bukas Palad y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: