visualizaciones de letras 11

Bukod-Tangi

Cup of Joe

Pagmulat ng iyong mga mata
Ang 'yong isipan pa rin ay nasa tala
Binubulungan ng araw
Bangon na, bangon na

Muling nakita
Liwanag mong kakaiba
Lahat ng bigat ng kahapon
Ay nawala, nawala

Kung ikaw ay nangangamba
Dahil 'di ka katulad nila
Huwag matakot tumaliwas
Ipakita kung sino ka
Kung sino ka, ha

Nag-iisa ka
Wala nang iba
Lunurin mo ako sa iyong piling
Oh, pwede bang dinggin aking hiling?

Nag-iisa ka
Wala nang iba
Sa iyong tahimik na tingin
Nadarama lahat ng damdamin
Nag-iisa ka
Oh, pa-pa-pa-pa-pa

Sa kislap ng iyong mata
Tanaw ko ang pag-asa mong nanghihina
Punasan ang mga luha
Tahan na, tahan na

Kung ikaw ay nangangamba
Dahil 'di ka katulad nila
Huwag matakot tumaliwas
Ipakita kung sino ka
Kung sino ka, ha

Nag-iisa ka
Wala nang iba
Lunurin mo ako sa iyong piling
Oh, pwede bang dinggin aking hiling?

Nag-iisa ka
Wala nang iba
Sa iyong tahimik na tingin
Nadarama lahat ng damdamin
Nag-iisa ka

Oh, ooh-whoa, oh, ooh-whoa, ooh-whoa, oh
Oh, ooh-whoa, oh, ooh-whoa, ooh-whoa, oh
Oh, ooh-whoa, oh, ooh-whoa, ooh-whoa, oh
Oh, ooh-whoa

Nag-iisa ka
Wala nang iba
Lunurin mo ako sa iyong piling
Oh, pwede bang dinggin aking hiling?

Nag-iisa ka
Wala nang iba
Sa iyong tahimik na tingin
Nadarama lahat ng damdamin

Nag-iisa ka
Oh, ooh-whoa, oh, ooh-whoa, ooh-whoa, oh
Nag-iisa ka
Oh, ooh-whoa, oh, ooh-whoa, ooh-whoa, oh
Nag-iisa ka
Oh, ooh-whoa, oh, ooh-whoa, ooh-whoa, oh
Oh, ooh-whoa, oh, ooh-whoa, ooh-whoa, oh

Wala nang iba
Nag-iisa ka
Oh, ooh-whoa


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Cup of Joe y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección