
Estranghero
Cup of Joe
'Di na alam kung ba't na ganito
Mga kilos ay nagbago
Pipilitin pa ba o kusang lalayo
Sa puso mong nanlalabo
Ang dating alam panaginip na lang
Mga sana'y 'di mabilang
Hinahanap-hanap tamis ng nakaraan
Ba't tinatalikuran
Ako ay litong-lito
Saan ba ito patungo
'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
'Di alam ang sasabihin
'Di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa 'yo
Minamahal kong estranghero
Lagi na lang akong nangangapa
'Di na kita matimpla
Hanggang dito na lang ba tayong dalawa
Pupunta na lang ba sa wala
Ako ay litong-lito
Saan ba ito patungo
'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
'Di alam ang sasabihin
'Di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa 'yo
Minamahal kong estranghero
'Di man lang nagsabi biglang umalis
Kasama ka ngunit ba't nangungulila pa rin
'Di mapinta ang nadarama
Ang anino mo'y 'di na makilala
Kahit na litong-lito
Sa iyo pa rin tutungo
'Di man sigurado 'di pa rin hihinto
Isa lang ang sasabihin
Isa lang ang aking gagawin
Muli kitang kikilalanin
Minamahal kong estranghero



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Cup of Joe y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: