visualizaciones de letras 2.816

humingang malalim, pumikit na muna
at baka sakaling namamalikmata lang
ba't nababahala? 'di ba't ako'y mag-isa?
kala ko'y payapa, boses mo'y tumatawag pa

binaon naman na ang lahat
tinakpan naman na 'king sugat
ngunit ba't ba andito pa rin?
hirap na 'kong intindihin

tanging panalangin, lubayan na sana
dahil sa bawat tingin, mukha mo'y nakikita
kahit sa'n man mapunta ay anino mo'y kumakapit sa'king kamay
ako ay dahan-dahang nililibing nang buhay pa

hindi na makalaya, dinadalaw mo 'ko bawat gabi
wala mang nakikita, haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim
hindi na na-nanaginip, hindi na ma-makagising
pasindi na ng ilaw
minumulto na 'ko ng damdamin ko, ng damdamin ko

hindi mo ba ako lilisanin?
hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? (ng damdamin ko)
hindi na ba ma-mamamayapa?
hindi na ba ma-mamamayapa?

Escrita por: Redentor Immanuel Ridao / Raphaell B. Ridao. ¿Los datos están equivocados? Avísanos.

Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Cup of Joe y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección