
Siping
Cup of Joe
Isang gabi
Aking pinagmamasdan ang kalangitan
Tila 'di pangkaraniwan
Asul ang buwan
At meron pang nahuhulog na bulalakaw
Ako'y pumikit at ako'y humiling
Na kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Oras ay labanan
Ako'y iyong samahang sulitin bawat sandali
Dahil kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Iyong ipadama ang init ng 'yong yakap
Dito sa aking tabi ikaw ay sumiping
'Di namalayan
Lumipas ang mga panahong mag-isa sa'king duyan
Ikaw pa rin ang aking sansinukuban
Kahit na paulit-ulit na lumayo ay
Hindi pa rin susuko sa'king mga pangako sa'yo
Hindi magbabago ang aking hiling
Na kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Oras ay labanan
Ako'y iyong samahang sulitin bawat sandali
Dahil kahit isa lang na sakit
Kahit hindi na maulit
Iyong ipadama ang init ng 'yong yakap
Dito sa aking tabi
Hanggang kailan kaya ako mananaginip nang gising
Hanggang kailan pa ba ako maglalakad nang nakapikit
Mayroon pa bang patutunguhan kung ako na lang
Ang nag-iisang humihiling at nagbabakasakali
Na kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Oras ay labanan
Ako'y iyong samahang sulitin bawat sandali
Dahil kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Iyong ipadama ang init ng 'yong yakap
At dito sa aking tabi ikaw ay sumiping
Aking ibubulong at sasabihing
Hindi maglalaho ang pag-ibig ko sa'yo



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Cup of Joe y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: