visualizaciones de letras 19

Umaga na sa 'kin
Ngunit ay bituin at buwan pa rin ang 'yong nakikita
Habang pumipikit ka na
Sa bawat pagtawag, ang oras tinatabi
At ang puso ay magkalapit
Pero malayo ka pa rin

Kahit ilang dagat man ang pagitan natin
Hangga't ika'y abot-tanaw, ito'y la-lakbayin
'Wag ka nang magduda pa
'Di mapagkakaila

Magkaiba man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo
Saan man mapadpad
Madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo

Akala ko dati malayong mangyari
Na mawawalan na ng gana
Parang paulit-ulit na

Ano mang humarang sa daan
'Wag mong lilimutin na ako
Ang hanging bumubulong
At ang araw na yumayakap
Sa 'yong-iyo lang babalik ang puso kong ito

Kahit magunaw ang lahat, 'di pa rin hihinto
'Wag ka nang magduda pa
'Di mapagkakaila

Magkaiba man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo
Saan man mapadpad
Madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo

Kahit na malayo
Kahit na 'di kabisado
Kahit na mundo'y magbago
Kahit na, kahit na

Kahit na walang masabi
Kahit na nandito palagi
Kahit na mananatili
Kahit na

'Wag ka nang magduda pa
'Di mapagkakaila
Magkaiba man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo

Saan man mapadpad
Madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Cup of Joe y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección