visualizaciones de letras 152

Pag nakikita ko ang mga ulap
Naaalala kita
Kapag may bulaklak sa mesa
Naaalala kita
Kapag umuulan at ako'y nanlalamig
Pagsapit ng gabi sa awit ng kuliglig
Pag pumito na naman ang guwardya
Naalala kita

Pagkat ikaw ang parati kong naaalala
At sa oras-oras kong hiling na makasama
Pag gising, pag antok, pag nananaginip
Di ako magsasawa sa'yo
Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko

Pag ham na naman ang ulam
Naaalala kita
Kahit sa pagsakay at baba ng jeep
Naaalala kita
Kapag bagong allowance o wala nang pamasahe
Maghahanap ng trip sa panonood ng sine
Kapag ang palabas ay drama
Naaalala kita

Pagkat ikaw ang parati kong naaalala
At sa oras-oras kong hiling na makasama
Pag gising, pag antok, pag nananaginip
Di ako magsasawa sa'yo
Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko

Pag nababasa ko ang mga sulat mo
Minsan ay napapaluha ako
Pag-ibig sa bawat bersikulo
Di mauubusan ng ala-ala sayo
Kapag tumatagal ka kapag wala ng masabe
Kahit di ko alam kung ano ang mangyayare
Nandito ako at andyan ka
Naaalala kita

Pagkat ikaw ang parati kong naaalala
At sa oras-oras kong hiling na makasama
Pag gising, pag antok, pag nananaginip
Di ako magsasawa sa'yo
Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Daniel Padilla y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección