Lipad Ng Pangarap
Dessa
Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayoy hapdi ng puso
Aabutin na ang pangarap
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag-unlad nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi
(Pabaon man sayoy hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap)
Tutularan ka ng sunod na salin-lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi..
Ingatan mo ang lipad ng pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Kam'tin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
Ang tamis na dulot ng Iyong tagumpay



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Dessa y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: