
Nakikita Mo
Gary Granada
Kagaya ng isang dula
Minsang ito'y umpisahan
Kung paanong mayrong simula
Ay mayron ding katapusan
Ang awit mang naririnig
Larawan bang namamasdan
Lahat ng bagay sa daigdig
Mayrong hangganan
Pangako ay naiiga
Huwag lang mangusap ng tapos
Dahil tayo'y nag-iiba
Lahat ng tao ay kapos
Kanikaniya tayong antas
Ngunit katulad ng hagdan
Kahit gaano kataas
Ay may hangganan
Ang iyong lakas ay may humpay
Huhulaw bawat halakhak
Sa salawahang tagumpay
Huhupa rin ang palakpak
Bakit ka ba patatangay
Patutuksong pag-abalhan
Ang bukas na hinihintay
Baka nga di mo pa datnan
Hangga't di mo natagpuan
Ang puno't dulo ng buhay
Lahat ay masasayang lang
Mawawalan din ng saysay
Hanapin mo ang Maylikha
Dahil siya ang kahulugan
Nagwikang siya ang simula
At ang hangganan
Ang iyong lakas ay may humpay...
Hangga't di mo natagpuan
Ang puno't dulo ng buhay
Lahat ay masasayang lang
Mawawalan din ng saysay
Hanapin mo ang Maykatha
At naroon ang kabuluhan
Nagwikang siya ang simula
At ang hangganan



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Gary Granada y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: