visualizaciones de letras 400

O Kaysarap Mabuhay

Gary Granada

O kaysarap mabuhay
Sa lupang hinirang
O kaydaling mabuhay
Dito sa ating bayan

Murangmura ang bilihin
Sweldo'y kaylaki
Ang lahat ang iyong naisin
Iyong mabibili
Murangmura ang kuryente
Sagana sa tubig
Ang gamot ay halos libre
Kaya ang bukambibig ko'y

O kaysarap mabuhay...

Hindi tumatanggap ng lagay
Ang mga pulis
Ang record ng ating militar
Kaylinislinis
Kaybilis pa ng serbisyo
Ng pamahalaan
Walang kaibi-kaibigan dito
Sa ating bayan, kaya

O kaysarap mabuhay...

Makikita n'yo sa TV
Mapapanood n'yo pa sa sine
Ang lahat ay nakangise
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad

Mababasa n'yo sa dyaryo
Maririnig n'yo pa sa radyo
Ang galing ng aming gobyerno
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Gary Granada y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección