
Pag-ibig Lang
Gary Granada
Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal'wa ang dako ng landas nating dal'wa
Ika'y apoy, ako ay tubig
Duda ko'y iyong pananalig
Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba
Ako'y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika'y matapang kung saan ako duwag
Ang iyong huli ay siya kong una
Madali mo'y di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag
At pag tayo'y nag-uusap
Parang lupa't alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong
Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang
(Interlude)
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong
Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Gary Granada y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: