Inicia sesión para activar tu suscripción y eliminar los anuncios

Iniciar sesión
visualizaciones de letras 8

Huminahon Ka

Gloc 9

Dahan dahan lang at baka
Sa paglakad mo pinto’y malampasan
Hinay hinay lang at makakarating
Ka rin sa’yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali
Ay ang syang laging nagkakamali
Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo
Huminahon ka

Hoy pakiulit nga? Kilala mo ba yan?
Katatapos lang ang palaging tanong ay pang ilan
Simula pa lamang to huwag kang malilito
Ito ang kauna-unahang kanta ko sa pangpito
Ano bang sabi ko nakinig ka ba dati?
Parang gamot na ‘di ininom kapag may bulate
Panigurado ‘to na para bang umatake

Ang nabubulok na sikmura kailangan mong tumae
Mawalang galang na at pasintabi po
Magka prangkahan na sa mga baliko
Ilang beses ko bang uulitin
Pilitin huwag mong pigilin
Aminin ang mabaho kahit pa ligo
Tila hindi pa rin naiintindihan
Kung ano’ng kaya kong gawin at ano’ng dahilan
May mga araw ding napagiiwanan
Dahil ako pag tinabi sa inyo ay walang kaibahan

Dahan dahan lang at baka
Sa paglakad mo pinto’y malampasan
Hinay hinay lang at makakarating
Ka rin sa’yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali
Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo
Huminahon ka

Ako’y isang ama tulad din ng iba
Nagtatrabaho at ang dahilan lang ay isa
Ang mapakain ang aking mga supling
Umaga, tanghalian, hapunan, pagsapit ng dilim
Gamit ang tintang itim, asul man o pula
O lapis na wala pang naimbentong pambura
Huwag kang mayabang sa daanan huwag humarang
Dapat marunong gumalang payo sa’kin ng aking ama
Pati ng aking ina inukit sa kukote

At piningot sa tenga na parang pamihit na liyabeng
Yari sa aserong tulad ng baryang pamasahe
Kapag kinulang ay maglalakad nalang sa kalye
Di lahat ng bagay ay parang laruan
Na pag ika’y naglupagi sa sahig agad kang pagbibigyan
Ang tatanda ka rin ay may kaibahan
Sa magtatanda ka rin kaya palaging tandaan

Dahan dahan lang at baka sa
Paglakad mo pinto’y malampasan
Hinay hinay lang at makakarating
Ka rin sa’yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang
Syang laging nagkakamali
Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo
Huminahon ka

Dahan dahan lang at baka
Sa paglakad mo pinto’y malampasan
Hinay hinay lang at makakarating
Ka rin sa’yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay
Ang syang laging nagkakamali
Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo
Huminahon ka

Hingang malalim
Hingang malalim
Hingang malalim
Huminahon ka

Agregar a la playlist Tamaño Cifrado Imprimir Corregir Enviar la traducción

Comentários

Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra

0 / 500

Faça parte  dessa comunidade 

Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Gloc 9 e vá além da letra da música.

Conheça o Letras Academy

Enviar para a central de dúvidas?

Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.

Fixe este conteúdo com a aula:

0 / 500

Posts relacionados Ver más en el blog


Opções de seleção