visualizaciones de letras 346

Coma

Gumi

sa bawat araw na lumilipas
ang mga litratong kumupas
um isipan ay
bumabalot sa puso kong ito

dahan-dahan nang uuulit
ang bawat sakit em mapapait
na mga alaalang ika'y
nasaktan

gumuguho na ang mundo ko
naglalakad sa sarili kong abo

ngayon nandito ako sumisigaw, naliligaw
sa mundong naiiba sa mundong natatanaw
ngayon nandito ako umiiyak, naghihintay sa
iyong ngiti dito panaginip

sa bawat yugto na aking likha
ay mga malungkot na tadhana
pinipilit gumising
umaasang mamulat ang mata

dahan-dahan ko'ng ginuguhit
ang bawat tamis em mala-lambing
na mga ala-alang ika'y
naghihintay sakin

gumuguho na ang puso ko
namulat na ang mga matang ito

ngayon nandito ako dahan-dahang natatanaw
ang mundong aking gawa mula sa aking luha
ngayon nandito ako tumatakbo, inaabot ang
iyong kamay em ang iyong pusong makulay

sa pagikot ng mundong ito
ang nais ko ika'y aking mapasaya
ang tinago kong mga luha
sa iyo ay aking iniwan na sa mundo ko

ngayon nandito ako na yumayakap sa iyo
patawarin mo ako, nasaktan ko puso mo
ngayon nandito ako hindi nang bibitawan pa ang
iyong kamay dito sa’ting kuwento ng buhay

kuwento ng buhay


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Gumi y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección