
Kilometer Zero
Ian Pangilinan
At kung ganito magpapaalam
Kukupas sa oras marahang-marahan
Uukitin sa puno ating mga 'ngalan
Nang kung maligaw ay palatandaan
Sa away at kantyawan ma't pagmamalabis
May pag-ibig pa rin
Wag ka nang umalis
Dahil dito, dito nasusukat ang layo
Ang sentro nitong daigdig
Wala nang makadadaig
Sa 'tin, sa 'tin pa rin ang uwi
Batubalani'y pusong pagal
Magbabalik sa pagmamahal
May tawanan na tutuldukan ng yakap, halik
May pag-ibig pa rin 'pag ika'y nagbalik
Dahil dito, dito nasusukat ang layo
Ang sentro nitong daigdig
Wala nang makadadaig
Sa 'tin, sa 'tin pa rin ang uwi
Batubalani'y pusong pagal
Magbabalik ang pagmamahal
Magbabalik ang pagmamahal
Magbabalik ang pagmamahal
Magbabalik ka pa ba mahal



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Ian Pangilinan y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: