Tuwing Umuulan
Jimmy Bondoc
Ba't kaya walang nangyari sa atin
Di ba't ang pag-ibig natin ay parang kwentong bitin
Kay ganda ng simula tulad ng isang dula
Ba't naiwan ang puso kong tulala
Ba't kaya walang nangyari sa atin
Di ba't may naramdaman ka rin sa 'ting unang tingin
Iba man ang mundo mo, iba man ang mundo ko
Sandaling nagsama ang ating puso
CHORUS:
Tuwing umuulan sa loob ng puso ko
Ginagamit kong payong ang alaala mo
Tuwing umuulan sa loob ng isipan
Ginagamit kong silong ang ating nakaraan
At kahit wala ka na
Kay linaw pa ng 'yong mukha
Kaya't di na ko nababasa kapag umuulan ng luha
Ano nang mga nangyari sa iyo
Sana ang iyong pagkatao'y di pa nagbabago
Alam kong ang tao ay nagbabago sa pagtanda
Ngunit bata pa sana ang 'yong kaluluwa
Meron pa kayang mangyayari sa 'tin
Kay hirap muli umasa kung umaasa ka rin
Bumaha ma't bumagyo ika nga ni Santiago
Ay hindi magbabago ang puso ko
[Repeat CHORUS]
[Repeat CHORUS again except last line]
Kaya't di na ko nababasa kapag umuulan
Kapag umuulan
Kaya't di na ko nababasa kapag umuulan ng luha



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Jimmy Bondoc y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: