Awit Ng Magdaragat
Joey Ayala
Tinawid ng ninuno ko ang karagatan
Dumaong sa aplaya, nagtatag ng tahanan
Umibig at inibig at nabuhay ang angkan
Ng magdaragat
Dumaan ang panahon, at ngayon, heto ako
Tahanan ay aplaya tulad ng aking ninuno
Na-pukot ng pag-ibig, may pamilya't inapo
Ng magdaragat
Nakalulan -- sa paraw ng kasaysayan
Lumalayag -- sa agos ng panahon
Lumulutang -- sa kandungan ng alon
Ito ang buhay magdaragat
Buhay ay nababago ayon sa pangitain
Kay raming mga hamon at kay raming gagawin
Magpayabong ng buhay at siyang aanihin
Ng magdaragat
Magmasid, magbantay
Magpayabong ng buhay
Magmasid, magbantay
Magpayabong ng buhay
Ito ang buhay magdaragat



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Joey Ayala y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: