visualizaciones de letras 65

Binalik ko na 'yung paborito mong yakapin
Mga unan na mahirap nang hanapin
Sabi sa'kin ng mga kaibigan kong matalik
'Wag na 'wag na daw kitang hahabulin
Napangiti ako nung tumingin sa salamin
Dahil kaya ko pala pakawalan ka
Mas malawak na 'yung kama
Kaya handa na ba lahat ng mga gamit mo
'Wag mong kalimutan 'yung mga bigay ko
Kahit 'di na natin balak pang ayusin
Dapat kitang ihatid

Kung sa'n ka masaya
Do'n ka na, makakalaya ka na
Maipagmamalaki kita
Buo ka na para sa kaniya
Para bang hinanda kita
Para lang mapunta ka sa iba
Kaya kapag naihatid ka
'Di na kita susunduin

Makakalaya ka na, pinapalaya ka na
Sana sumaya sa piling niya

Pinapalaya na kita
Tutal kulang na lang ng pansin ka pag-uuwi
Sinusungitan kapag gusto ko lambingan
Iniiwasan mga labi, ayaw dumampi
Pero laging sumusunod lang, pikit-mata
'Lam mo 'di ko kaya na magalit
Sa'yo umiikot aking mundo
Pa'no mo 'to nagawa?

'Di mo na 'ko masisisi, 'di na rin makukumbinsi
'Di na kita kaya pang lingunin
'Di mo na rin kailangan pang aminin
Kaya halika na, ihahatid na lang kita

Kung sa'n ka masaya
Do'n ka na, makakalaya ka na
Maipagmamalaki kita
Buo ka na para sa kaniya
Para bang hinanda kita
Para lang mapunta ka sa iba
Kaya kapag naihatid ka
'Di na kita susunduin

Kung sa'n ka masaya
Do'n ka na makakalaya ka na
Para bang hinanda kita
Para lang mapunta ka sa iba


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Josh Cullen y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección