visualizaciones de letras 5.722

Nakakapagpabagabag

Kagamine Len

Kamusta? Bakit tila dumatal ang kaba?
Ano ba ang agam-agam na bumabagabag?
Ang dinadamdam nila'y mahirap ipinta
Bakit pa ba ako nagtataka?

Ako ba'ng may kasalanan kung bakit naiwan sila?
Ako nga itong nagpaparaya para sa adhikaing walang patutunguhan-
O, kay saklap!
Pa'no ba tayo magkakaisa?

Sinabihan na kitang tumakbo papalayo sa mundong
Nakaka-pagpa-baga-bag!
Pinilit kong sagipin ang mga naliligaw sa dilim
Nakaka-pagpa-baga-bag!

Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha
Ngunit mahal pa rin kita :'(
Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita?
Nakaka-pagpa-baga-bag!

Mas sanay na akong maglakad ng nakapiring ang aking mata
Habang buhay ko nang pinagsisisihan na iniwan ang tanging sidha sa puso
Naglahong parang usok
'Di na maibabalik pa

Parang sa panaginip ko lang masisilayan ang mukha nila
Parang awa mo na hindi na mauulit ang panganib!
Masarap makinig sa inyong mga paghihinagpis
Na tila ubod ng tamis

Sinabihan ko silang bilisan ang pagtakbo sa mundong
Nakaka-pagpa-baga-bag!
Di sila nakikinig ngunit ngayo'y nagmamakaawa
Nagpapatawa ba sila?

Naniwala pa ako sa sinungaling n'yong mga mata
Ngunit kami'y mali rin ba?
Sino nga lang ba ako para iligtas ang inyong diwa?
Nakaka-pagpa-baga-bag!

Bakit ba ako nababahala sa mundong ito?
Nakaka-pagpa-baga-bag ba?
Pinilit kong sagipin ngunit sila'y nasakop na ng dilim
Nakaka-pagpa-baga-bag!

Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha
Ngunit huli na ang lahat!
Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita?
Nakaka-pagpa-baga-bag!


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Kagamine Len y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección