
Remenis
Rivermaya
ano ang kulay ng paglimot?
isasalin ko sana sa bughaw na nadarama
naghahabi ng paghilom
buhay natin ang tema
alaala ang tinta
simple lang ang buhay noon
lahat ng bagay abot ng 'sang kamay
himbing natin sa gintong nakaraan
paminsan-minsan lamang balikan
isipin mo nalang may taong wala ng meron ka
pero sumasabay sa ikot ng mundo
sekreto ng buhay ay wala sa mga tala
muli nating balikan ang simula
sayang
hanggang remenis nalang
sayang
hanggang remenis ka lang
tama nang sisihan
lahat nama'y nagkulang sa
kanya-kanyang paningin
kanya-kanyang paningin
hawak mo na ang mahiwagang alas
sasama ka ba o kusang aatras?
simple lang ang buhay ngayon
manalig ka, diyos lang ang siyang gabay!
gintong pangako
sayang
hanggang remenis nalang
sayang
hanggang remenis ka lang
isipin mo nalang may taong wala ng meron ka
pero sumasabay sa ikot ng mundo
sekreto ng buhay, nasa tibay ng samahang
sinimulan
inaalagaan
pinaninindigan
muli nating balikan ang simula



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Rivermaya y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: