
Tilaluha
SB19
Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata
Paano nga ba, paano nga ba
Paano nga ba'ng limutin ka
Kung sa puso ko ika'y nag-iisa
Mali ba na ako'y umaasa
Tama ba'ng nadarama para sa'yo, sinta
Bakit nga ba, bakit nga ba
Bakit nga ba mahal kita
Kung sa puso mo ay mayroon nang iba
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka
Kahit na ulan'y tumila na (ah)
Luha sa aking mata'y patuloy pa
Ano nga ba, ano nga ba
Ano nga ba'ng magagawa
Kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita (oh)
Unti-unting lunurin ang aking nadarama (oh)
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa (ah)
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka
Lahat din ay mawawala
Kasabay ng pagtila ng nadarama
Unti-unting lunurin ang aking nadarama, ah
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka (ah)



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de SB19 y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: