
Sa Buhay Na'to
Silent Sanctuary
Mahirap pang dalhin, sa loob hindi makaamin
Namumuo na naman naipon mong luha
Sinigaw mo lang sa isip, kelan ka iimik
Mag-hihintay lang ba hanggang tumanda na
Kung mahal mo pa sya, sige lang umasa
Di pa tapos ang dati
Ilang dasal pa ba ang tutupad sa iyong pangarap
Nag-mamasid ka lang galing sa ulap
Sumabit sa noon, kasasanay di makaahon
Baha na ang dumaan balewala sayo
Kung mahal mo pa sya, sige lang ipaglaban
Wag mo silang isipin
Eto na ang panahon, buong sarili mo'y ialay
Labi sa nakaraan buhayin pa ang kulay
Hamakin ang lahat mananaig parin ang tunay
Sindihan ang apoy ng ikay maliwanagan
Minsan ka lang ang pagdaraan sa buhay na to
'Sang beses ka lang makakaraan sa buhay na to
Kung mahal mo pa sya, sige lang umasa
Di pa tapos ang dati
Di pa tapos ang dati
Eto na ang panahon, buong sarili mo'y ialay
Labi sa nakaraan buhayin pa ang kulay
Hamakin ang lahat mananaig parin ang tunay
Sindihan ang apoy ng ikay maliwanagan
Minsan ka lang ang pagdaraan sa buhay na to
Isang beses ka lang makakaraan tandaan mo
Isang beses ka lang (isang beses ka lang)
Makakaraan (makakaraan)
'Sang beses ka lang makakaraan sa buhay na to
Sa buhay na to



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Silent Sanctuary y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: