visualizaciones de letras 704

Gaya Ng Dati

Gary Valenciano

Dati-rati
Laman ng puso mo ay ang pangalan Ko
Lagi Ako sa isip mo
Dati-rati
Inaawitan pa lagi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon nagbago ka
Nasa'n na ang init ng pagsinta
Pangako mo'y hindi magwawakas

Di ba't noon
Samyo ng bulaklak at ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di ba't noon takbo ng oras ay di mo napapansin
Laging naglalambing
Ngunit ngayon naglaho na
Sigla't tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal Ko ba'y kailangan pa
Ooh

Dati-rati
Mga pangako Ko'y kandungan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon
Sa kaibigan mo'y Akong bukambibig
Bakit ngayo'y anong lamig

Di mo alam Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay
Naghihintay, ohh

Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay

Di mo alam Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay

Panginoon
Ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon ang buhay kong ito'y
Iaalay sa Iyo gamitin mo ako
Gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Gary Valenciano y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección