visualizaciones de letras 47

Saranggola

Ben&Ben

saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan
paalam na nga ba sa ating nakaraan?
ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'di ipagpapalit ang pagkakaibigan
Ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh

kung aking uulitin, itong mahabang byahe
sa kada yugto ng ating paglalakbay
wala akong babaguhin, ni isang detalye
sa dami ba naman ng sinuong magkasabay

sa pagbadya ng kulimlim ng tinadhana
'di magmamaliw, ating mga gunita

saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan
paalam na nga ba sa ating nakaraan?
ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Ooh-ooh, ooh-ooh

lumang mga larawang
nakaplasta sa mga dingding, may tamis at pait
babalikan, tambayan sa tindahan
kwentuhang magdamagang
nung bata pa't nangangarap lang

sa pagkagat ng realidad ng buhay
landas nati'y sadyang magkakahiwalay

saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan
paalam na nga ba sa ating nakaraan?
ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'di ipagpapalit ang pagkakaibigan

sarado na ang kabanata ngunit ba't
ayaw ko pang harapin ang katotohanang
hindi na nga tugma ang pagtutunguhang
sa'n man hipan ng hanging amihan
'di ipagpapalit ang pagkakaibigan
salamat sa'ting pinagsamahan
'di ipagpapalit ang pagkakaibigan
('di ipagpapalit ang pagkakaibigan)

saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan
paalam na nga ba sa ating nakaraan?
ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'di ipagpapalit ang pagkakaibigan
saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan
paalam na nga ba sa ating nakaraan?
sa'n man tayo hipan ng amihan
'di ipagpapalit ang pagkakaibigan

saranggola (lilipad, lilipad na)
saranggola (lilipad, lilipad na)
kahel na ang kulay ng kalangitan
saranggola (lilipad, lilipad na)


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Ben&Ben y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección