
Tingin
Cup of Joe
Dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
Mga saglit na inilikha
Kakaiba ang tama
Ng sinag sa 'yong kutis na kayumanggi
Oh, sa'n ba 'ko dinadala?
Bawat ngiting biglaang nabura
Iyong naipinta
Hiwaga ng 'yong tinging nang-aalipin
Kahit sa'n man madala
'Di pinapansin ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan
May dumadapong kiliti na 'di maunawaan
Walang imik, 'di mabanggit na sa aking isip
Ikaw lang ang nagmamarka
Kahit mabitin aking salita
Mata'y ibinubunyag na
Sa 'yo lang magpapaangkin, 'di palalampasin
'Wag ka sanang kumawala
'Di mawawala
'Di pinapansin ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ako'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
Oh
Oh
Oh
Oh
'Di man alam ang darating
(Oh) sa dulo at sa gitna ng dilim
(Oh) sa liwanag mo nakatingin
(Oh) sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tingin
'Di man alam ang darating
(Oh) sa dulo at sa gitna ng dilim
(Oh) sa liwanag mo nakatingin
(Oh) sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tingin
'Di pinapansin ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) sa gitna man ng daan
'Di pinapansin ingay sa tabi ('di pinapansin ingay sa tabi)
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin (magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin)
'Di pinapansin, ika'y paiikutin ('di pinapansin, ika'y paiikutin nang dahan-dahan)
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Cup of Joe y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: