visualizaciones de letras 268

Lihim Ni Eurd

Dahong Palay

Ama, pagmasdan mo sila
Hindi nila alam ang kanilang ginagawa
Patawarin mo ako,
Kung ano man ang gagawin ko sa kanila
Pinilit naming mabuhay ng tahimik
Ngunit kalayaan ay inagaw nila sa amin
Nagdidilim ang aking paningin

Marami nang luha ang nasayang
Ang ilog ng pighati ay wala nang mapaglagyan
Sa aking paghihiganti, ako'y pagbigyan
Ang langit na asul ay magiging itim
Lalanghapin ang amoy at ihip ng malakas na hangin
Nakakapasong lamig sa mga naghihintay sa akin

Sa huling digmaan sa mga anak natin
Ang paglubog ng araw ay simula ng walang
Hanggang gabi
Ang mga mata'y ililigtas sa parusa ng dilim
Ako na lang ang tagapagtanggol ng iyong kaharian
Amang hari ipasaakin ang kapangyarihan na magliligtas sa ating lahi

Hindi ko nais ang korona at kayamanan
Ang aking tanging hinihiling at dinadalangin
Ay maibalik ang katarungan dito sa lupang
Kinatatayuan
Ako ay nagpapaalam tungo sa digmaan
Espada sa aking kamay, sa kabila nama'y aking pangalan
Sa king pagdating, pangako, bitbit ko'y katahimikan


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Dahong Palay y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección