visualizaciones de letras 334

Pedrong Pako

Gary Granada

Si Pedro'y nakaapak ng pako sa lansangan
Pinulot niya't bakasakaling pakinabangan
At ang kinakalawang na pakong nabubulok
Sa bago niyang bahay ay duon ipinukpok

Isang kalbong gulong nakita niya sa kalsada
Kanyang isinuong sa jeepney niyang pampasada
Duo'y may nakaiwan ng lumang antipara
Kanyang isinuot sa malinaw niyang mata

Bagong bahay, lumang pako
Dating gimik na inibang-anyo
Bagong bote, lumang toyo
Ang laging sawsawan ni Pedro

Gulong ay umiskyerda at ang jeep ay nabangga
Dahil sa antipara ang poste di nakita
Pasahero'y huli na sa biyahe't nabukulan
Di pa nakarating sa dapat na puntahan

Si Pedro'y may kilalang kawatang pulitiko
Sa bawat halalan ay laging kandidato
Nabulag na si Pedro, napako pa ang tuktok
Pulitikong bulok sa pwesto iniluklok

Bagong bahay, lumang pako...

Nang dahil sa pako bahay ni Pedro'y bumagsak
Sa bulkan, bagyo, baha't lindol tuluyang nawarak
Giba na ang dingding, sahig, haligi't bubungan
Mabuti pa kaya, magbagongbahay na lang


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Gary Granada y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección