visualizaciones de letras 634

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

Gary Granada

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Gary Granada y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección