visualizaciones de letras 23

Bituwin

Gloc 9

Tulog na anak at bukas
Ay may umagang darating,
Minamasdan kita habang tulog
Na parang isang bituin.
Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina,
Dahil ako'y mahirap
Kaya't sumama sa iba.

Ngayon ika'y musmos pa lamang
Tatlong taong gulang.
Lahat ay gagawin, haharapin,
Mapag-aral ka lang.
Upang maabot mo,
Buhay na pinapangarap ko;
At iyong malisan
Hirap na kinamulatan ko

Lumipas ang ilang taon,
Ako ay umalis,
At sa malayong pook
Ako ay nag-tiis.
Larawan mo ang
Laging hawak hawak ko.
Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko.

Ako ay nagbalik
Sa araw ng 'yong kaarawan.
Malayo pa lamang nakita ko na
Ako'y kinabahan, bakit maraming ilaw
Sa loob ng aming tahanan? Ako'y lumuluha
Mukha mo a'y pinagmamasdan.

Paalam na aking anak,
At sa gabing darating
Ako ay titingala,
At hahanapin ka sa mga bituin.


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Gloc 9 y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección