Magdamag nag-aabang maglalaro kaya
Ang dalagang nagtatago sa alyas na Maldita
Sa dating tagpuan sa bayan ng prontera
Sa tabi ng tindahan, ng magic at sandata

Nung minsan nga ay nag-alay ka pa ng buhay mo
Nang kinalaban natin ang mga bagong dayo
Natalo nga sila at nagyaya kang magsaya
Tanging hinihintay ang makita ka

Alas dos nung Linggo (sa gotesco)
Nagpolo pa ako (at nagpabango)
Nananabik habang (hinahanap ka)
Tumigil ang mundo (nang makitang chicksilog)

Chicksilog, ako ay nahulog
Nilinlang, niloko, alam ko nang sikreto mo
Chicksilog, ako ay nahulog
Nilinlang, niloko, alam ko nang sikreto mo

Walang saysay ang mag-level up
Pagka siya ay nasira na
Ang inipong lakas naglahong parang bula
Kaya pala, ang husay mo sa espada
Si Maldita ay lalake pala

Alas dos nung Linggo (sa gotesco)
Nagpolo pa ako (at nagpabango)
Nananabik habang (hinahanap ka)
Tumigil ang mundo (nang makitang chicksilog)

Chicksilog, ako ay nahulog
Nilinlang, niloko, alam ko nang sikreto mo
Chicksilog, ako ay nahulog
Nilinlang, niloko, alam ko nang sikreto mo

Send Translation Add to playlist Size Tab Print Correct