
Sayang Naman
Nina
Di ko malimutan
Ang mga sumpa sa akin na di iiwan
Ako ay nagtiwala at sa yo ay naniwala
Na ako lamang ang nasa buhay mo
Tandang tanda ko pa
Ng sabihin mo sa akin na ayaw mo na
Ang mundo ko ay gumuho at ang luhay biglang tumulo
Ang mga pangarap koy naglaho
Ano pa ba ang aking magagawa
Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't-isa
Sayang naman ang pag-ibig na ibinuhos ko sayo
Sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sayo
Kung maibabalik ko lang ang ating nakaraan
Di na sana dadating sa ganitong kalagayan
Di ko matandaan
Kung ano ang huli nating pag-aalitan
Saan ba ako nagkulang, ano ba ang kasalanan?
At ikaw ay biglang lumisan
Ano pa ba ang aking magagawa
Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't-isa
Sayang naman ang pag-ibig na ibinuhos ko sayo
Sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sayo
Kung maibabalik ko lang ang ating nakaraan
Di na sana dadating sa ganitong kalagayan
Kung mababalik ko lang ang ating nakaraan
Di na sana darating sa ganitong kalagayan...



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Nina y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: