Halina't sumakay
At tayo'y lalakbay
Ang magic spaceship ay walang hinihintay

Handa ka na ba?
Magseatbelt ka na muna!
Ilang sandali nalang at tayo's nasa langit na!

Kumapit ka! Kumapit ka!
Iwanin natin ang ating mga problema!
Kung gusto mong takasin ang mundo!
Ilalayo tayo ng magic spaceship ko!

Kung medyo badtrip ka
At gusto mong magpahinga
Pikit ka lang muna at huwag mag-alala
Pagdilat ng mata
Dumungaw sa bintana
Biglang darating ang spaceship para
sunduin ka na!

Send Translation Add to playlist Size Tab Print Correct