Bochog

tumawag ka agad sa akin
ng matanggap mo ang mga rosas kagabi
binasa mo ang sulat na
kasama't para kang lasing na pusa sa kilig

busog na ang 'yong isipan
busog na ang puso mo
pero ako

mula pa sa may kanto ay
tuloy-tuloy kitang pinagmasdan kinaumagahan
hanggang tenga ang 'yong ngiti
at tila na sa ulap lumilipad sige lipad

busog na ang 'yong isipan
busog na ang puso mo
pero ako

sa panaginip ko ako ang nagbigay
ng mga rosas at inibig mo ako ng tunay

busog na ang 'yong isipan
busog na ang puso mo
at wala ka ng kailangan
busog na ang 'yong mundo

busog na ang 'yong isipan
busog na ang puso mo
pero ako

Send Translation Add to playlist Size Tab Print Correct