visualizaciones de letras 395

Hanggang Sa Huli

SB19

Sa t'wing puso'y nag-iisa mayro'ng himig na
Kumakatok sa pinto ng aking alaala
'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita

Ang alaala mo'y tila bago
Sa panaginip ko ay naro'n ka

At kahit pa ang mundo ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa'yo, puso'y 'di magbabago
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa'yo
Sa'yo hanggang sa huli

Siguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na
Pag-ibig ko'y isang hangin na 'di mo madarama ('di mo madarama)
'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
'Pagka't ikaw pa rin ang nakikita

Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawala

At kahit pa ang mundo ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli

Kung pinagtagpo, tayong dal'wa'y para sa isa't isa
At kung nasabi ko ang lahat noon
Ay may magbabago ba
Sa aking bawat paghinga dalangi'y makapiling ka
At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na, ooh-ooh

Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita

Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Sa'yo hanggang sa huli

Escrita por: Han Tae Soo / John Paulo Nase. ¿Los datos están equivocados? Avísanos.

Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de SB19 y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección