Suscríbete

Hagkan at iyong pagmasdan
Ang ating kay sayang nagdaan
Pagsuyo at lambingan
Laging nakakamtan

Sundan at iyong pakinggan
Tinig ko na nagpapaalam
Tumahan ka't magsaya
'Pagkat may sikat pa

Tingnan mo ang ating umaga
Kay tamis at may pag-asa
O, kay sarap isipin
Tayo'y may bukas din

Ako ay magbabalik rin
Sa umaga, sa 'yong paggising
'Wag nang lumuha pa
'Di na iiwan pa

O, kay sarap isipin
Tayo'y may bukas din

Ako ay magbabalik rin
Sa umaga, sa 'yong paggising
'Wag nang lumuha pa
'Di na iiwan pa


Comentarios

Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra

0 / 500

Forma parte  de esta comunidad 

Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Sharon Cuneta y explora más allá de las letras.

Conoce a Letras Academy

¿Enviar a la central de preguntas?

Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.

Comprende mejor con esta clase:

0 / 500

Opciones de selección