
Dulo
The Juans
nakatingin na naman sa kawalan
tinatago ang tunay na nararamdaman
hangggang kailan ko 'to kakayanin
hanggang saan kita uunawain
pa'no ipaglalaban ang pagmamahal
kung sa pananatili ay nasasakal
nahihirapan na ating mga damdamin
'di malaman kung paano aaminin
naubos na ang luha at mga salita
siguro'y 'di sapat, aking pagmamahal
ito na ba ang hinihintay
ang pagwawakas ng paglalakbay
lahat nama'y ibinigay
ngunit balewala lang kaya paalam
kailangan na yatang harapin
na ito ay 'di para sa atin
mahirap man na tanggapin
hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo, ang dulo (ito na ang dulo)
bibitawan at palalayain ka
kasama ang pangako't alaala
ngunit hindi kita pipilitin
hahayaan ko na lang ito'y iyong mapansin
naubos na ang luha at mga salita
siguro'y 'di sapat, aking pagmamahal
ito na ba ang hinihintay
ang pagwawakas ng paglalakbay
lahat nama'y ibinigay
ngunit balewala lang kaya paalam
kailangan na yatang harapin
na ito ay 'di para sa atin
mahirap man na tanggapin
hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo
gusto mang kumapit, mahirap ipilit ang hindi para sa atin
hihintayin ko na maramdaman mo, ito na ang dulo, ohh
ito na ba ang hinihintay (hinihintay)
ang pagwawakas ng paglalakbay
lahat nama'y ibinigay
ngunit balewala lang kaya paalam
kailangan na yatang harapin
na ito ay 'di para sa atin
mahirap man na tanggapin
hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo, ang dulo (ito na ang dulo)
hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de The Juans y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: