Ikaw
William Elvin
ikaw ay isang rosas
na humahalimuyak
at wala ng katulad
sa hardin ng mga bulaklak
ang ngiti sa ‘yong labi
ay nakahahalina
nanunukso at tila
ang oras ay tumitigil pa
maiingit ang bukang liwayway
ang ganda niya’y nawalan ng saysay
sa kulay mong tinataglay
at sa mundo’y binibigay
at sa simoy ng hangin
masayang inaawit
ang nakarehas na dandaming
ng puso kong pumipintig
tuloy lang ang pangarap
ng sumisintang makata
ang sumusuyo kong diwa'y
nag-alay ng walang-hanggang tula
maiingit ang bukang liwayway
ang ganda niya’y nawalan ng saysay
sa kulay mong tinataglay
at sa mundo’y binibigay
maiingit ang bukang liwayway
ang ganda niya’y nawalan ng saysay
sa kulay mong tinataglay
maiingit ang bukang liwayway
ang ganda niya’y nawalan ng saysay
sa kulay mong tinataglay
at sa mundo’y binibigay



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de William Elvin y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: