
Wala Nang Kumakatok
Zild
Babangon na para lang makahinga
‘Di na alam ano pa ba ang halaga
‘Di niyo ba napapansin
Kung pa'no na ‘ko tumingin?
Natutuyo na ang mga luha ko
Bakit gan’to?
Palaging bitbit ang mundo
‘Di niyo ba papansinin
Palaging magkukunwari?
Tulong
‘Di ko mahinto ang bulong
Magdamag nang nakakulong
Sa kwarto kong wala nang kumakatok
Sana
Liwanag ay makita muli
Hangga't wala pa sa huli
Bago mauwi sa pagsisisi
At tulala nanaman sa kawalan
Namamanhid na ang buong katawan
Ayoko nang bumangon pa
Nabubulok na sa kama
Tulong
‘Di ko mahinto ang bulong
Magdamag nang nakakulong
Sa kwarto kong wala nang kumakatok
Sana
Liwanag ay makita muli
Hangga't wala pa sa huli
Bago mauwi sa pagsisisi
Heto na ang wakas
‘Di kayang magbukas
Ang lakas sa labas
Buhay kong binutas
Hihiga sa kama
Isasara ang mata
Buhay na nalanta
Mag-isang tatawa
Langit ay pumiglas
Hangin ay hahampas
Sa pintong
Walang kumakatok



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Zild y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: