
Kung Kasalanan Man
Rey Valera
Dapat bang itama ang mali?
Malilinlang ba ng isip ang iyong budhi?
Dapat bang saya o ligaya ang 'yong madama
Kung kaibigan mong tapat ay nagawa mo pang saktan
Katulad mo, nangarap din ako
Ng buhay na malaya't may kahulugan
Ngunit 'di tulad mo, ako'y mahina't marupok
Taliwas ang naging landas at ikaw ay sinaktan
Kung kasalanan man, tinatanggap ko ito
Kung kasalanan man, nagbabayad din ako
Ngunit 'di na maitutuwid ang nakaraan
Pagdusahan man
Kung kasalanan man, ito ay ninais ko
Kung kasalanan man, nagdurusa rin ako
At kung huli na sa 'kin baguhin ang lahat
Sana mapatawad mo ako
Kung kasalanan man, tinatanggap ko ito
Kung kasalanan man, nagbabayad din ako
Ngunit 'di na maitutuwid ang nakaraan
Pagdusahan man
Kung kasalanan man, ito ay ninais ko
Kung kasalanan man, nagdurusa rin ako
At kung huli na sa 'kin baguhin ang lahat
Sana mapatawad mo ako



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Rey Valera y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: