
Simula ng Dulo
Sheryn Regis
Nakabalot sa 'kin ang yong bisig
Pero 'di mo ako yakap-yakap
Nakabaling sa 'kin nang magising
Pero 'di mo ako hanap-hanap
Meron ba kong dapat malaman
Baka naman pwede nating pag-usapan
Hindi ko pa kayang aminin sa sarili
'Wag munang sabihin na
Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
Ito ang simula ng ating dulo
'Wag ka munang umatras
Puting bandila'y 'wag mo munang itaas
At bitawan ang mga kinatatakutan kong
Salitang nasa dulo ng 'yong dila
Huwag mong ibulalas
Magsinungaling ka sa 'kin
Ulit-ulitin mong sabihing ako'y mahal mo pa
Pinaniwalaan ko kahit 'di na totoo
Kahit alam ko nang
Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
Ito ang simula ng ating dulo
Unti-unting bumibitaw
Lumuluwag na ang 'yong kapit
At damdamin mo'y lumalayo
Lingunin mo naman ako
At ang mga plano at pangako
Na ngayo'y iiwanan mo
Ganun pa man, walang nagbago
Wala pa ring katulad ang iyong ganda
Kahit nagpaalam na't nagsasabi na
Ito na nga ang simula, ang simula ng ating dulo
Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang (hanggang dito na lang)
Ang walang hanggan (ang walang hanggan)
Ito ang simula ng ating dulo
Unti-unting bumibitaw
Ang dating kakabit ng damdamin
Dati sa 'kin 'di na matanaw
Dulo, dulo, dulo
Lingunin mo naman ako
Ang karugtong ng aking puso
Ba't tuluyan nang lumalayo?
Dulo, dulo, dulo



Comentarios
Envía preguntas, explicaciones y curiosidades sobre la letra
Forma parte de esta comunidad
Haz preguntas sobre idiomas, interactúa con más fans de Sheryn Regis y explora más allá de las letras.
Conoce a Letras AcademyRevisa nuestra guía de uso para hacer comentarios.
¿Enviar a la central de preguntas?
Tus preguntas podrán ser contestadas por profesores y alumnos de la plataforma.
Comprende mejor con esta clase: